Search This Blog

Saturday, October 15, 2011

The End

Friday night...Before, every friday we go home with each other...Maglalaro ng arcade at paramihan ng makukuhang stufftoys...Kakain...Sasakay ako sa bus na hindi byaheng pauwi samin,kasi gusto ko syang ihatid,kahit hindi sa kanila mismo,kahit hanggang sakayan lang...mahalaga para sa akin ang bawat oras na kasama ko cia...

Pero ngayon...

Kakatapos ko lang mag workout, mga 8PM pa lang,pumasok sa isip ko na dumaan kaya ako sa arcade?...baka sakaling andun sya...pero ano naman gagawin ko kung andun sya?..ayaw nya na naman ako kausapin...ayaw na nya sakin...

Pinili kong wag pumunta,palabas na sana ako ng maalala kong me bibilihin pa nga pala akong eyedrops...matapos kong bumili,nag isip ako kung san ako magtetakeout na foodchain... tumigil ako pang samantala, sa chowking ba o sa jabi... Pinili ko ang jabi...

Pagpasok ko...
Palabas sya....

Hindi nya ako napansin,sa halip na umorder pinili kong habulin sya,para sana makausap sya ng personal...
Kinalabit ko sya..pag harap nya at nakita nya ako...isang mataas na boses ang narinig ko...

"Sinusundan mo ba ako???"

By chance na nakita ko sya,hindi ko sya sinundan dun or whatsoever,nagulat ako sa tanong nya....may sakit na agad kasi hindi na ngiti at bati na tulad ng dati pag nakikita ko sya...

"Nakita kasi kitang palabas kaya hinabol na kita,pauwi na rin naman ako"

sumagot sya...
"So makikisabay ka pa??"

Marami syang pinamili,inalok ko na ako ang magdadala,tulad dati,pero tumanggi sya..pinilit ko pero ayaw pa rin nya... Pinipilit gumawa ng pag uusapan pero hindi sya masyadong nagsasalita,aninag sa muka nya ang pag kairita na kasabay nya ako...Ramdam na ramdam ko na kung pwede lang bigla sya mawala gagawin nya...

Pagdating sa tricycle,magkatabi kami sa loob,pero dumidistansya sya,ayaw nyang mapadikit man lang ang ang katawan nya sakin...Tahimik pa rin sya...

naglakas ako ng loob na magtanong, bakit ba galit na galit ka sakin?... sumagot sya ng "wala!"...
nanahimik ako...

"Habang umaandar ang tricycle at pareho kaming tahimik, naramdaman kong yumakap sya sa akin at bumulong,sana maging tulad ng dati...Miss na kita..miss ko na ang mga kulitan natin"(yan ang naiisip kong sana ay mangyari)

pero...
Wala syang sinabi..pinili nyang manahimik at magtext..pinili nyang isipin na hindi nya ako kakilala at wala syang pakialam sa akin...

Habang byahe iniisip ko,pagbaba ba namin papayag syang maglakad kami tulad ng dati o pipiliin nyang mag triccle na lang ulit?...

Pero pagbaba namin...Nagbitaw sya ng salita na pinakahuli ko na sigurong maririnig sa kanya...

"Pwede bang wag mo na kong sabayan papuntang dorm?.. PLS!!"

Natulala ako,nanatili ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa kanya na papalayo...

Parang me kumalabit sakin at nagsabi...Tanggapin mo na ang katotohan,wala na sya,hayaan mo na sya..you should let go of her..shes not yours anyway...

Yun ang pinakamasakit na moment sa akin na kasama sya...Sa lahat ng mga sayang pinag daanan namin,hindi ko akalaing dadating ang araw na yun...

Ang dating 5-10 mins walk pauwi naging 30 mins sa akin..blanko ang isip ko...sobrang sakit....

Dumaan ako ng simbahan...and i prayed...

Lord...
The last time na pumunta ako dito,im with her...
And alam nyo po siguro kung ano situation namin ngayon...
Lord...Sobrang sakit po...hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko to kahit na simula pa
lang naman alam ko nang mali yung pinasok ko.Lord forgive me po sa lahat ng mga nagawa kong kasalanan,kung itong sakit na to po ang kabayaran tatanggapin ko,tatanggapin ko basta hihilingin ko lang po sa inyo, wag na wag nyo po syang pababayaan,sana po ay laging may magpapasaya sa kanya,sana po ay laging syang safe,sana po ay alagaan syang mabuti at wag sasaktan ng kanyang BF...

I will let her go lord,but please help me do so...
Thanks GOD... I trust in U...


Im just a simple man before i met her,im very inlove with my gf,im so much contented with her...
But then,the first time i saw her,she may not be that beautiful but she got this x-factor,her smile hit me...From that moment i just cant get her out of my head...The rest is history...

Sabi nila maraming tao ang dadaan sa buhay mo pero ilan lang mag iiwan ng bakas...Hindi man nag end sa maganda yung samahan namin,still i will treasure each moment na pinagsamahan namin..Shes a part of me...Alam kong mahirap mag move on at mag let go,alam kong maraming beses ko pa syang makikita...pero sabi nga nila,time heals everything,kahit gano pa kasakit,in time mawawala rin yan...Nainlove ako sa isang girl at the wrong time,marami akong pagkakamali at marami rin akong natutunan...

This blog is all about her,about my short romance...This will be my last post..Nag enjoy ako na me pinaglalabasan ako ng nararamdaman ko..Alam kong maraming tao ang katulad ko...Thanks sa blogger.com... This blog will be open,sana may mapulot na aral o kakulitan ang sinumang makakabasa nito...
Sana rin pagdating ng panahon,mapasyal sya dito...Sana mabasa nya..kasi para sa kanya to...

This is the end...Thanks!...

No comments:

Post a Comment